198 - Aba Akong Di Gasino

Aba akong di gasino,
Na tinubos ng dugo Mo;
Lumalapit na totoo
Sa Iyo, Diyos na Kordero.

Sa aba kong kaluluwa,
Dugo Mo nga ay sukat na
Na makahugas sa sala,
Oh! Kordero ng Diyos Ama.

Akong abang lumalangoy,
Sa sigalot at linggatong
At sa panganib ay gayon,
Ampunin, Korderong Poon.

Sa aba kong maralita,
Bulag ang isip at dukha,
Magdalang habag at awa,
Korderong Diyos na dakila.

Akong aba ay tanggapin,
Sa akit ay pagalingin,
At hanguin sa hilahil,
Oh! Korderong masintahin.

0:00 0:00